DJ Bumbay

DJ Bumbay Lyrics

The Bubble G Anthology  by Michael V.

Song  ·  4:15  ·  English

℗ 2006 - GMA Records

DJ Bumbay Lyrics

Oh, yeah

Here I go, ahoy, ahay, mga manoy, mga manay
Ako′ng inyong lingkod, Didjay Vidjay
Nandito 'ko para maghanapbuhay
At your service, DJ Bumbay
Pumili na kayo, maganda na, mura pa
Ito ang aking mga paninda
Medyo may konting mga diperensya
Pero lahat original, hindi pirata

Mayro′n akong banig, kasya ang sampu
Wala nang hihiga, lahat nakatayo
Gusto mo plantsa para sa damit?
Pero 'yung handle ang umiinit
Kung naiinitan, mag-electric fan
Ang umiikot ay 'yung katawan
Porselanang arinola galing Pakistan
May factory defect sa loob ang hawakan

Break it down
Oh, yeah

Alright, mayro′n akong kalan na gawa sa Japan
Lumalabas ang apoy doon sa pihitan
Kaha de-yero para ′di manakawan
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa mabuksan
Bagong cellphone, tatak Nokia
Motolite ang tatak ng baterya niya
May TV rin ako, mura lang, brand new
Kaya lang ang screen, mayro'ng grado

Halika na kayo, ′wag kayong mahiya
Umiikot ako buong Maynila
Minsan naglalakad, minsan nakamotor
Four-gives, five-six, libre door-to-door
I'm your friendly neighborhood hulugan
Didjay Vidjay, ′wag n'yong katakutan
Come on, every all, come on, everyone
Sumabay sa tugtog, DJ, break it down

Oh, yeah
Break it down
Alright

Here I go again, ahoy, ahay, mga manoy, mga manay
Muling nagbabalik, Didjay Vidjay
Ako ang travelling ukay-ukay
At your service, DJ Bumbay
Maraming bago, marami ′kong dala
Galing America at buong Asia
Medyo may konting mga diperensya
Pero lahat original, hindi pirata

Mayro'n akong Rolex, uy, bagay
Maraming diamond, isa lang ang kamay
Brand new, flat screen, colored TV
Ang kulay ng palabas, itim at puti
May rubber shoes ako, tatak Adidas
May factory defect sa loob ang sintas
Kailangan mo ng shoes, panterno sa barong?
Mayro'n akong boots, sa harap ang takong

Kung ang business mo ay construction
Mura lang, kuha na, de-pedal na pison
Masakit ang mata? Pagod maghapon?
Mayro′n akong eyedrop na roll-on
Bili na ng kutsilyo made in Japan
Ay, napakatalim lalo na ′yung hawakan
Gintong wall clock galing Switzerland
Pero baliktad, sa harap ang sabitan

Next time, pagbalik ko, I will bring a lot more
Four-gives, five-six, libre door-to-door
Pwede utang, 'wag n′yong kalimutan
Basta't ′wag n'yo lang akong tatakbuhan
Kaya ′pag nakita n'yo ako, say "Hi!"
Ako'ng inyong lingkod, Didjay Vidjay
But you can call me, DJ Bumbay
Nagpapaalam, so long, uh, goodbye, ba-bye

Jori, jori
Adya, adya
Jori, jori
Adya, adya

Hayyela, hayyela
Jori, jori, adya, adya
Hayyela, hayyela
Hayyeyela, unya ninyo
Jori, jori, adya, adya
Hayye, hayyo, hanya, wanya
Hayyeyela, hayyeyela
Jori, adya, break it down

Writer(s): Beethoven D Bunagan<br>Lyrics powered by www.musixmatch.com


More from The Bubble G Anthology

Loading

You Might Like

Loading


4m 15s  ·  English

℗ 2006 - GMA Records

FAQs for DJ Bumbay